Maari mo bang tukuyin ang kaibahan
Sa pagitan ng utak at kawalan
Kung yaring isip mo'y hindi nakatam
Sarili mong wika'y di mo alam
Ikahiya't sukatin ng minsan pa
Galing at husay sa pagaanalisa
Kakayahang pangkabuuang gamit ka
Gayong noon pa'y kay tagal ka nang sinusuka
Isang araw ako'y nagsulat
Di na mahagilap kahit sa hinagap
Nalimot na'ng aking unang lasap
Maintindiha't makapagpahayag
Hinugot at saka napagtanto
Ako lang at ako, pati tayo
Kumitil. tumigil at sumiil
Sa naturang wika, sariling atin
No comments:
Post a Comment