Monday, April 4, 2011

In General

'Pagkat ang pinaratanga'y pinaparusahan
At ang siyang hustisya ay kanyang kamatayan
'Pagkat ito ang nararapat sigaw ng masa
At sa isang kurap lilipas, waglit na sa alaala


'Pagkat ang nagparusa ay uusigin
At ang kanilang buhay ay waring mali't pasanin
"pagkat dito ngayo'y konsensya'y paiiralin
At sa magpahabang buhay sa alaala'y sasariwain


For the doomed shall be punished
And their death would mean justice
For this is how, thought of the masses
And in a snap all shall be forgotten


For the punisher shall be haunted
And their life would mean wrong prejudice
For this is how, nature of madness
And in their lifetime all shall be a living memory 

Tuesday, March 29, 2011

gratitude

Salamat kay __a_n
sa pagbubukas ng aking natutulog na kamalayan
Iyong napagtagumpayang kami'y muling ilisan
Sa mapanlinlang na birtuwal na aming kinasasadlakan

Muli mong binuhay
Galing sa hibernation, sa kakahuyan
Tuloy  ngayo'y uhaw
Handa nang tugisin ang maya maya'y hapunan

Sa mga gaya kong makata
ang nais koy itong simpleng diwa
Kung saan lahatan ang punla
walang pinipiling lupa

Paano'y pare- parehas tayo ng simula
Katapusan nati'y iisang sunog na sungka
Dasal ko'y pumanaw tayong ganap
Maipamalas ang tatas bago pa man sa marmol
pangalan nati'y maitala...

Saturday, March 26, 2011

rejection

Let's start today with rejection, how will you feel?

Definitely not a very good morning, right?

But do you know that we are being rejected without us knowing it? Whenever you call up for a jeepney or a tricycle then the driver won't stop to load you because his vehicle's already full, then that's rejection!
You add a hottie in face book, she saw it and declined it. You're rejected without you being notified, REJECTION!

So what am I trying to point out here. What I'm saying is that you'll never grow unless you face your fear.

And how did fear ever surfaced in the topic?

The reason is simple, fear of rejection caused people to fear PUBLIC SPEAKING. They are too afraid of getting rejected that they would rather be in the corner listening rather than being the one who is speaking.

FACT: Most of people would prefer dying than facing their fear of  public speaking. They do believe that if they don't talk, no one can see them making mistakes. Well, believe me my friend, nothing will ever be brought to you unless you do something. Keep on doing nothing and you'll definitely will get nothing.

Like what most people would say: "there's always a first time for everything."
What I want to tell you once you decided to face your fear of being rejected? Well, today is your lucky day 'cause you're about to overcome your greatest fear.

Magandang madaling araw sa sinta kong bayan..

Thursday, February 17, 2011

One of my attributes

Siguro takot lang talaga ko sa rejection kaya ganito nanaman ang takbo ng metro ko.

Kelan lang, power na power ako , ngayon heto ulit.. Daig ko pa naubusan ng gasolina.

Olrayt. Hindi naman sa sumusuko na ako, kailangan ko lang tanggapin sa sarili ko na hindi pa 'ko handa, sa usaping pang- pinansyal. Ika nga nila, manipis pa ang bulsa para pumasok sa mga ganyan, Ipon muna bago yan.

Ngayon, wala na akong pakialam kung anong magiging tingin sa akin ng mga tao, kung pagtawanan ako ng mga kumpanyang inalisan ko sa kadahilanang : "I want to look for a greener pasture."

Wala na din akong pakialam kung anong sasabihin ng mga kaklase kong minsang naging proud sa akin dahil isa 'ko sa mga naunang umangat, (o baka naman wishful thinking ko lamang iyon?). Kung sa bagay, nagre-resurface lang naman siguro yung Law of Gravity sa akin. Anumang tumaas, paniguradong bababa.

Ang nasa isip ko na lang ngayon e bayaran lahat ng utang na ginawa ko nung nag astang prinsesa ako sa loob ng isang buwan, mag ipon para sa pangarap kong negosyo at MAGSIMULANG MULI. Square one ulit. Ayos lang, inalat talaga ko dun sa nakaraan e.

Dami ko pang kimi sa katawan, dito rin naman pala ang hantungan ko. Ang magising, sa nagmumurang KATOTOHANAN.

Sunday, January 23, 2011

Bakit nga ba?

Bakit nga ba kumuluntoy ang noon na'y sumisibol kong damdamin para sa'yo?


Sino bang humatak sa akin palayo? Sino yung nagtulak sa akin para bitawan ka?


Salamat at hinintay mo kong minsan pa'y muli kang diligan nang aking atensyon, paniniwala, at respeto. Hindi sapat ang talang ito para patunayan sa lahat na ako'y naghahangad muling umusbong, ngunit sa iyo, nauunawaan kong isang salita lamang o daing, agad ako'y sasaklolohan at sasagipin sa aking kinasadlakan. 


Ikaw lang talaga ang aking sandigan, ang pinakamalakas at pinakamatigas!


kapit sa matigas!

Saturday, December 25, 2010

Maligayang past-ko

Bakit napili ng mga nakatatandang gawing Disyembre ang pasko? Malapit sa pagpapalit ng taon ng ating kalendaryo? Minsan tuloy, napagiisa ko na lang un nararamdaman kong lungkot..


"It's the best time to look back, well, maybe not the best, but there's a tendency for us to feel nostalgic when a year's about to end." 


(wala naman talaga akong kakampi pagdating doon) 
12.25.2010 21:47


Ang nakalipas na mga buwan ay punong puno ng pagsubok. Palagay ko nga, ang taong 2010 ang siyang humubog ng husto sa'kin, sa amin. May mga bagay na masaya, may malungkot at mayroon din namang dapat na lang itago at ibaon sa limot.


Kung tatanungin ako kung handa ako? Sa mga buwelta sa'kin ng mga desisyon ko sa taong ito?


Hmmpphhh...


Hindi sa iba, at oo sa nakararami... Mas matibay na ko ngayon, sana kayo rin. 

Thursday, December 16, 2010

Sa mga nagpapakadakilang manggagawa..

Some food for the soul


It’s not the intellect that makes people successful, it’s the common sense. You need to think like the streets mark. You need to be wise.

There’s no such thing as perfect job, there’s no such thing as perfect boss, there’s no such thing as perfect company, but there is what we call HARDWORK. All you need is a strong back and a sound mind.