Ayos.
Napagtanto mo na ba na ang talatang ito'y naglalayong paigtingin ang lakas ng loob ng mga tao, lalo pa't sila ay tama at may malinis na hangarin.
Pasok sa panga ang update na 'to. Sariwang sariwa pa mula nung huling linggo. Nakalimutan ko lang mag log in. Pasensya.
Sa panga dahil sa araw na nangyari 'to, yung mga kasama kong tao, gustong suntukin sa panga yung kung sinuman yung mga yun.
Sabi nga ng matalik kong kaibigan, kung may problema ka sa katabi mo at hindi mo sinabi at naiirita ka, (halimbawa: maingay), hindi mo maaaring isisi ang irita mo sa taong katabi mo dahil malamang, hindi nya alam at hindi mo din kasi pinaalam.
Gano'n na nga ang nangyari. Nakasakay sa malamig na moda ng transportasyon (FX). Sa oras na lahat ay pagod at nais nang umuwi, natural lamang ang magnais umidlip habang nasa biyahe.
Dalawa sa siyam na pasahero ang may kanya kanyang kausap sa kani-kanilang telepono. Walang paligsahan, ngunit animo'y nagpapalakasan ng volume at hagikhikan.
Pagbigyan. Marahil, tatlong taon na, nung huli nilang nakausap yung mga taong yun sa kabilang linya. Dala ng damdamin kung bakit yung isa (#1) ay halos ipagkalat na ayaw niya dun sa huling ni-reto sa kanya para maka-blind date kasi daw may something. Nagawa pa nga nila mag-three way-call at nasa Cubao Ilalim kami nung maghe-hello? hello? siya dun sa kausap niya. Natural, mawawalan ka ng signal!
Sunod naman ay si tao bilang 2. Problemado naman ang istorya ng buhay niya. Bread winner 'ika nila, ang katayuan niya sa pamilya at gano'n na lamang ang sama ng loob niya sa mga kapatid niyang hindi marunong tumayo sa sarilin nilang mga paa.
Maingay. Nakakairita. Aaminin ko, apektado din ako kahit ayaw ko makinig. Ngunit wala ni isa ang nagrereklamo, tingin lang ng tingin sa direksyon ng kinauupuan nila. (Bakit ba kasi magkahanay pa sila ng upuan? Imbyerna siguro yung dalawang taong pinagitnaan nila). Lilingon, titingin sa katabi (sa akin) at saka iismid. Hanggang sa matapos ang 36 minutes (siguro! nilang usap: mula SM Megamall A hanggang Trinoma under moderate-heavy traffic), isang babae ang lumingon. Lumingon at bumulalas ng "Hay naku". Hanggang nagsisunuran na lahat ng katabi kong babae. Mga labinlimang "tsk" siguro narinig ko kasama na din yung galing sa tsuper.
Hindi pa din natitinag si tao bilang 1. (si #2, nilingon ko na at nasabihan ng "pakihinaan ng kaunti" kaya nagpaalam na din sa kausap). Hindi niya alam, na siya ang punterya lahat ng "tsk" dahil wala namang nagsasabi sa kanya. Sabihin na nating akala niya dahil traffic kaya badtrip yung mga tao o baka unang beses niya makapag 3-way call kaya hindi niya napapansin lahat ng nasa paligid niya.
Anim na tao na nagtiis ng tatlumpu't anim na minuto. Naiparating ko ang mensahe sa isa sa dalawang maiingay na tao. Nagsalita. Naglakas loob. Nanguna ngunit walang sumunod. Inulit ko na lang: "Miss, pakihinaan yung boses mo." Saka lamang sila nagsisalita. Animo'y palitan ng "Peace be with you" sa simbahan, ngunit sa pagkakataong ito, lahat ng reklamo ultimong, sa pagkaistorbo sa tulog, hindi nakatulog, naiingayan, lahat lumabas. Ni isa sa mga ito'y hindi napansin ni tao bilang 1 ngunit masasabi ko'ng wala sa kanya ang problema.
Tuesday, July 30, 2013
Thursday, January 10, 2013
Dead Lock
Remembered the first time I walked into a meeting as a presider. Wow! I can't explain the mixed emotions of nervousness, excitement, pressure etc.
The big bosses were around and I needed to to go back to my desk to get some paper works and was the last person to enter the conference room.
The boss then asked me to close the door. And so I did. Much to my surprise, all of them were giggling as I pushed the door knob into its place.
The boss then said: I only asked you to close it, not to Lock it!
It was very shameful to be acting that weird.
Subscribe to:
Posts (Atom)