There's not much to include on this note.
Kinailangan ko lang talaga ng cedula para makuha ang back pay mula sa nagsara kong kompanya. Syempre, bukas na un releasing, to kinailangan kong paabutin ng one day before deadline bago ako pumunta sa barangay.
Pagkatapos na pagkatapos ng 2 PM shift ko, matiwasay akong umuwi para kumuha ng cedula sa barangay hall.
P87 na lang pera ko, menos $15 para sa bus, bale P72 pa. Alam kong aabot, mura lang yun (kaso mura yun, nung estudyante pa 'ko and that was 5 years ago)
"WALA NA PONG CEDULA"
hindi pa s'ya nakontento, meron pa sa loob.
"WALA NA PONG CEDULA"
Sige. Punta na lang ako sa mini city hall. P72 menos P8 para sa jeep, P64.
CEDULA:
Unemployed: P 67.10
Student: P 6.10
Senior Citizen: P6.10
Mangiyak ngiyak ako dahil pasado alas tres y medya na. Umuwi man ako, alam kong di na ako aabot. Nilakasan ko na ang loob ko at lumapit sa isang babae na naghihintay nang Mayor's permit nya.
"Ate, puwede po bang manghingi ng P11, galing pa po kasi ako sa barangay ______, kaso walang cedula doon, ngayon po kinulang yung pera ko, wala po kasi akong trabaho e. Sorry po talaga."
"Ahhh."
"Teka. Ayos lang po ba, kasi wala po talaga kong extra.."
"Okay lang, nangyayari din naman sa'kin yan."
"Ate salamat, po talaga, saka sorry."
Agad akong tumakbo sa counter ng cedula at inabot ang bayad, mangiyak ngiyak pa ko habang binibilang yung pera. Sabi ko, "Kuya, ayan, sakto yan, nanghingi pa ko doon sa babae kasi galing pa ako barangay hall namin, kinulang tuloy pera ko.
"Naku, student ka na lang, P6.10"
Wala talaga kong intensyong impluwensyahan sya, nagpaliwanag pa ako ng onti pero nagalit sya. Wag na daw ako magsalita kung hindi ibabalik nya sa P67.10.
Sobrang pasasalamat ko kay kuya, ibinalik ko na yung P11 ni ate at nagpasalamat ulit.
Naalala ko yung turon na nakita ko sa side walk, pagpunta ko dun, banana cue na lang yung natira.
Nauwi ako sa tokneneng, sa kwek kwek.
Ngayon, di pa din narerelease yung back pay. Number 54 ako. 12:35 PM na, kahit Number 1 di pa nila naaasikaso.