Siguro takot lang talaga ko sa rejection kaya ganito nanaman ang takbo ng metro ko.
Kelan lang, power na power ako , ngayon heto ulit.. Daig ko pa naubusan ng gasolina.
Olrayt. Hindi naman sa sumusuko na ako, kailangan ko lang tanggapin sa sarili ko na hindi pa 'ko handa, sa usaping pang- pinansyal. Ika nga nila, manipis pa ang bulsa para pumasok sa mga ganyan, Ipon muna bago yan.
Ngayon, wala na akong pakialam kung anong magiging tingin sa akin ng mga tao, kung pagtawanan ako ng mga kumpanyang inalisan ko sa kadahilanang : "I want to look for a greener pasture."
Wala na din akong pakialam kung anong sasabihin ng mga kaklase kong minsang naging proud sa akin dahil isa 'ko sa mga naunang umangat, (o baka naman wishful thinking ko lamang iyon?). Kung sa bagay, nagre-resurface lang naman siguro yung Law of Gravity sa akin. Anumang tumaas, paniguradong bababa.
Ang nasa isip ko na lang ngayon e bayaran lahat ng utang na ginawa ko nung nag astang prinsesa ako sa loob ng isang buwan, mag ipon para sa pangarap kong negosyo at MAGSIMULANG MULI. Square one ulit. Ayos lang, inalat talaga ko dun sa nakaraan e.
Dami ko pang kimi sa katawan, dito rin naman pala ang hantungan ko. Ang magising, sa nagmumurang KATOTOHANAN.