Monday, November 14, 2011

Unang sigaw sa brgy. kwak kwak

There's not much to include on this note.


Kinailangan ko lang talaga ng cedula para makuha ang back pay mula sa nagsara kong kompanya. Syempre, bukas na un releasing, to kinailangan kong paabutin ng one day before deadline bago ako pumunta sa barangay.


Pagkatapos na pagkatapos ng 2 PM shift ko, matiwasay akong umuwi para kumuha ng cedula sa barangay hall.


P87 na lang pera ko, menos $15 para sa bus, bale P72 pa. Alam kong aabot, mura lang yun (kaso mura yun, nung estudyante pa 'ko and that was 5 years ago)


"WALA NA PONG CEDULA"


hindi pa s'ya nakontento, meron pa sa loob.


"WALA NA PONG CEDULA"


Sige. Punta na lang ako sa mini city hall. P72 menos P8 para sa jeep, P64.


CEDULA:

Unemployed: P 67.10
Student: P 6.10
Senior Citizen: P6.10


Mangiyak ngiyak ako dahil pasado alas tres y medya na. Umuwi man ako, alam kong di na ako aabot. Nilakasan ko na ang loob ko at lumapit sa isang babae na naghihintay nang Mayor's permit nya.


"Ate, puwede po bang manghingi ng P11, galing pa po kasi ako sa barangay ______, kaso walang cedula doon, ngayon po kinulang yung pera ko, wala po kasi akong trabaho e. Sorry po talaga."


"Ahhh."


"Teka. Ayos lang po ba, kasi wala po talaga kong extra.."


"Okay lang, nangyayari din naman sa'kin yan."


"Ate salamat, po talaga, saka sorry."


Agad akong tumakbo sa counter ng cedula at inabot ang bayad, mangiyak ngiyak pa ko habang binibilang yung pera. Sabi ko, "Kuya, ayan, sakto yan, nanghingi pa ko doon sa babae kasi galing pa ako barangay hall namin, kinulang tuloy pera ko.


"Naku, student ka na lang, P6.10"


Wala talaga kong intensyong impluwensyahan sya, nagpaliwanag pa ako ng onti pero nagalit sya. Wag na daw ako magsalita kung hindi ibabalik nya sa P67.10.


Sobrang pasasalamat ko kay kuya, ibinalik ko na yung P11 ni ate at nagpasalamat ulit.


Naalala ko yung turon na nakita ko sa side walk, pagpunta ko dun, banana cue na lang yung natira.


Nauwi ako sa tokneneng, sa kwek kwek.


Ngayon, di pa din narerelease yung back pay. Number 54 ako. 12:35 PM na, kahit Number 1 di pa nila naaasikaso.

Friday, October 21, 2011

A glimpse

And as I ascend to the calvary of relief, she gave me that nodding look as if I had an obligation to feed her.

I looked away and wanted to exclaim to her whether what I might have given her will keep her from begging alms.

Would you even think I would take a train home if I have gotten a precious life back there?

NO!

kanya kanya talaga nang trip.

Tuesday, September 20, 2011

Chronicles of a guilt

9/12
You're just another guilt trip
One that I'll deal in a matter or two secs
One I'll contemplate within the next few minutes

Then forgets...

But with this, you will never be forgotten
I stared back, without you being aware
I want to know how come you never tried finding a decent job?

Does it even make you weary when I don't hand out a single penny?
Does it change you if I reach on my pocket?

I got goose bumps..

The sight of your dirty hands

I got goose bumps...

Will you be entrusting your life with that single hand?

I still have these goose bumps...

Perhaps another guilt trip...

9/16

Will you be looking to every person passing you by?

What if there are millions of them?

Will you take your chance of winning their sympathy?

Will you beg for alms? Forever?

9/20

Will what I give you keeps you from coming back tomorrow to this spot?

(Oldest)
I have always had this thought that for some cases, you needed to keep something deadly in order to survive.

Monday, April 4, 2011

In General

'Pagkat ang pinaratanga'y pinaparusahan
At ang siyang hustisya ay kanyang kamatayan
'Pagkat ito ang nararapat sigaw ng masa
At sa isang kurap lilipas, waglit na sa alaala


'Pagkat ang nagparusa ay uusigin
At ang kanilang buhay ay waring mali't pasanin
"pagkat dito ngayo'y konsensya'y paiiralin
At sa magpahabang buhay sa alaala'y sasariwain


For the doomed shall be punished
And their death would mean justice
For this is how, thought of the masses
And in a snap all shall be forgotten


For the punisher shall be haunted
And their life would mean wrong prejudice
For this is how, nature of madness
And in their lifetime all shall be a living memory 

Tuesday, March 29, 2011

gratitude

Salamat kay __a_n
sa pagbubukas ng aking natutulog na kamalayan
Iyong napagtagumpayang kami'y muling ilisan
Sa mapanlinlang na birtuwal na aming kinasasadlakan

Muli mong binuhay
Galing sa hibernation, sa kakahuyan
Tuloy  ngayo'y uhaw
Handa nang tugisin ang maya maya'y hapunan

Sa mga gaya kong makata
ang nais koy itong simpleng diwa
Kung saan lahatan ang punla
walang pinipiling lupa

Paano'y pare- parehas tayo ng simula
Katapusan nati'y iisang sunog na sungka
Dasal ko'y pumanaw tayong ganap
Maipamalas ang tatas bago pa man sa marmol
pangalan nati'y maitala...

Saturday, March 26, 2011

rejection

Let's start today with rejection, how will you feel?

Definitely not a very good morning, right?

But do you know that we are being rejected without us knowing it? Whenever you call up for a jeepney or a tricycle then the driver won't stop to load you because his vehicle's already full, then that's rejection!
You add a hottie in face book, she saw it and declined it. You're rejected without you being notified, REJECTION!

So what am I trying to point out here. What I'm saying is that you'll never grow unless you face your fear.

And how did fear ever surfaced in the topic?

The reason is simple, fear of rejection caused people to fear PUBLIC SPEAKING. They are too afraid of getting rejected that they would rather be in the corner listening rather than being the one who is speaking.

FACT: Most of people would prefer dying than facing their fear of  public speaking. They do believe that if they don't talk, no one can see them making mistakes. Well, believe me my friend, nothing will ever be brought to you unless you do something. Keep on doing nothing and you'll definitely will get nothing.

Like what most people would say: "there's always a first time for everything."
What I want to tell you once you decided to face your fear of being rejected? Well, today is your lucky day 'cause you're about to overcome your greatest fear.

Magandang madaling araw sa sinta kong bayan..

Thursday, February 17, 2011

One of my attributes

Siguro takot lang talaga ko sa rejection kaya ganito nanaman ang takbo ng metro ko.

Kelan lang, power na power ako , ngayon heto ulit.. Daig ko pa naubusan ng gasolina.

Olrayt. Hindi naman sa sumusuko na ako, kailangan ko lang tanggapin sa sarili ko na hindi pa 'ko handa, sa usaping pang- pinansyal. Ika nga nila, manipis pa ang bulsa para pumasok sa mga ganyan, Ipon muna bago yan.

Ngayon, wala na akong pakialam kung anong magiging tingin sa akin ng mga tao, kung pagtawanan ako ng mga kumpanyang inalisan ko sa kadahilanang : "I want to look for a greener pasture."

Wala na din akong pakialam kung anong sasabihin ng mga kaklase kong minsang naging proud sa akin dahil isa 'ko sa mga naunang umangat, (o baka naman wishful thinking ko lamang iyon?). Kung sa bagay, nagre-resurface lang naman siguro yung Law of Gravity sa akin. Anumang tumaas, paniguradong bababa.

Ang nasa isip ko na lang ngayon e bayaran lahat ng utang na ginawa ko nung nag astang prinsesa ako sa loob ng isang buwan, mag ipon para sa pangarap kong negosyo at MAGSIMULANG MULI. Square one ulit. Ayos lang, inalat talaga ko dun sa nakaraan e.

Dami ko pang kimi sa katawan, dito rin naman pala ang hantungan ko. Ang magising, sa nagmumurang KATOTOHANAN.

Sunday, January 23, 2011

Bakit nga ba?

Bakit nga ba kumuluntoy ang noon na'y sumisibol kong damdamin para sa'yo?


Sino bang humatak sa akin palayo? Sino yung nagtulak sa akin para bitawan ka?


Salamat at hinintay mo kong minsan pa'y muli kang diligan nang aking atensyon, paniniwala, at respeto. Hindi sapat ang talang ito para patunayan sa lahat na ako'y naghahangad muling umusbong, ngunit sa iyo, nauunawaan kong isang salita lamang o daing, agad ako'y sasaklolohan at sasagipin sa aking kinasadlakan. 


Ikaw lang talaga ang aking sandigan, ang pinakamalakas at pinakamatigas!


kapit sa matigas!